Sunday, March 13, 2011

American Idol,Thia Megia

elimination ang 15-year-old Filipino-American na si sa sikat na reality singing contest na American Idol.

Ang unang napatalsik sa 13 finalists ay si Ashthon Jones, 24. Pero bago nito, nakasama ni Ashthon sa “bottom 3" sina Haley Reinhart at Karen Rodriguez.

Sa last episode, kinanta ng mga contestant ang awitin ng kanilang mga idolo. Ang “When You Tell Me That You Love Me," ni Diana Ross ang inawit ni Ashthon.

Bagaman nagustuhan ng mga judges na sina Randy Jackson, Steven Tyler at Jennifer Lopez, ang pagkakanta ni Ashthon, tingin nila ay pinili nito na maging “safe."

Samantala, inawit naman ni Thia ang " Smile" ni Michael Jackson.

Puna ng mga hurado, mas nagustuhan nila ang panimulang bahagi ng pag-awit ni Thia sa "Smile" na mala-acoustic. Sa kalagitnaan kasi ng awitin hanggang sa dulo, binabago ang tempo ng awitin na mala-jazz. 



 

No comments:

Post a Comment