Brix Ferraris: "Sana lang magpakita siya sa anak niya."
"Sa totoo lang, yung mga tao nga, hindi nila alam na every time, kapag ang topic tungkol kunwari sa bigamy, adultery, nangaliwa, ganito... Parang ako, gusto kong lumubog sa lupa because I am in that situation," sabi ni Amy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang media junket para sa anibersaryo ng Face to Face na ginanap kanina, Marso 28, sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Hanggang ngayon, hinihiling pa rin ng TV host na ma-annul na ang kanyang kasal sa dating bokalista ng South Border na si Brix Ferraris. Kung sakali gusto na rin sana nilang magpakasal ng kanyang boyfriend of six years na si Carlo Castillo.
No comments:
Post a Comment